RFM Electric Drive

eBikes – isa sa mga solusyon sa problema ng trasportasyon ngayong may pandemic

30715091_2237005902992627_69740472066637824_n

Hindi maikakaila sa atin ang hirap ng pagbyahe papuntang trabaho o kung saan man natin nais makapunta sa panahon ng pandemia dahil sa kakulangan ng pampublikong transportasyon.

Bukod sa bisikleta at ibang Personal Mobility Devices (PMD), isa ang ebikes sa solusyon na maari nating magamit papuntang trabaho, pamilihan at iba pa. Mas ligtas din ito dahil sa limitadong bilis.

Ang ebike ay maaring magamit mula 30km o higit pa depende sa klase nito at sa laki ng battery capacity. Ang isang full charge ay magkakahalaga lamang ng P12 – P20, depende din sa klase ng ebike at laki ng baterya nito. Sa ganitong halaga ay malayo na ang mararating gamit ang ebikes.

Depende sa paggamit at klase ng baterya, ang Sealed Lead Acid (SLA) batteries ay maaring tumagal ng 1-3 taon. Ang mga Lithium based batteries naman ay maaring tumagal ng 3-6 taon. Masmabuting magtabi araw-araw ng kahit P20 para sa susunod na pampalit ng baterya ay mayroon tayong budget.

Kagaya ng mga riders ng motor, dapat din natin malaman ang tamang batas ng kalsada para makaiwas sa sakuna. Mas-mabuti din na magkaroon ng lisensya at dalhin ito kung babyahe. Dapat lang na magsuot ng nararapat na helmet at ibang gamit pangproteksyon katulad sa mga motorcycle riders para sa kaligtasan natin.

Madaming klase ng ebikes ang mapagpipilian sa abot kayang halaga. Tulad ng sa RFM Electric Drive, Hamsun e-Vehicles, Star8 eBikes, OZ eBikes, GX Sun Ebikes at iba pa. Pumili ng naayon sa budget at klase para mabawasan ang hirap natin sa pagbyahe sa panahon ng pandemya.

 

Facebook Comment