RFM Electric Drive

INTERVIEW WITH COMMISSIONER FAELDON of BUREAU OF CUSTOMS

https://www.facebook.com/Mochablogger/videos/10154444578046522/

Nagsimula po ang aking curiosity sa BOC dahil napakaraming nagme-message sa akin na mga OFW patungkol sa problema sa Balikbayan box, sobrang taas na tax at mga padala na hindi nakakarating sa kanilang mga mahal sa buhay. Malapit po sa aking puso ang ating mga OFW dahil naging OFW din po ako noong nagsisimula pa lamang ang aking career as a vocalist sa isang Band. Noong inatasan ni P. Duterte si Sir FAELDON bilang commissioner ng BOC, ako po ay natuwa ng sobra. Nakasama po namin siya noong panahon ng Campaign. Eto po yung huling bahagi ng campaign kung saan si TRILLANES ay PURO KASINUNGALINGAN ang ibinabato sa ating Pangulo. Si FAELDON ang nagmulat sa tao na si TRILLANES ay TRAYDOR sa kanilang PRINSIPYO at SAMAHAN. Sobrang taas ang tingin ko kay sir FAELDON kaya’t hindi ko maitugma na umabot na ng isang buwan sa BOC ay marami pa rin ang nagsasabing wala o kaunti pa lamang ang nagbabago sa BOC. Kaya talagang pilit ko siyang hinagilap at nagpa-set ng appointment upang klaruhin ito para na rin sa mga ka-DDS natin na nag aantay ng pagbabago sa BOC. Ikinuwento po sa akin ni Sir Faeldon (off the record) kung bakit kakaunti pa ang nagbabago sa BOC. Isa na dito ay lahat ng parte ng BOC ay CORRUPT o di kaya’y ayaw naman magsumbong. Pinaliwanag niya sa akin na hindi siya basta-basta maaring magtanggal ng mga officials ng walang SAPAT na ebidensya. At karamihan ng mga tao ay nasanay na sa bulok na pamamalakad sa CUSTOMS. Sa madaling salita, sila-sila ay magkakakuntsaba kaya walang nakakasuhan. TANDAAN PO NATIN, sa mata ng BATAS pag walang sapat ng EBIDENSYA ito ay tsismis lamang. Parang ganito po yan, HALIMBAWA SA TRAFFIC- kapag ikaw ay nahuli ng traffic enforcer sa iyong violation maglalagay ka nalang para mas mababa ang ibabayad mo at hindi ka na maperwisyo sa pagtubos ng iyong drivers license. Dahil dito walang nahuhuling tiwaling traffic enforcer. Tandaan, barya lamang po yan kumpara sa TAX ng binabayaran ng mga importers o di kaya freight forwarders. Usapan dito ay DAANG DAANG LIBO at MILYUN MILYON. Nag-iisa pa lamang si SIR FAELDON na appointed ng ating Pangulo sa BOC. Inaayos pa na maipasok ang mga tiwalang tauhan ni Comm. Faeldon. Kaya ngayon siya mismo ang nagi-inspection sa ng lahat ng PORT sa buong Pilipinas. HINDI MADALI YUN. Isipin mo na lang yung mga empleyado diyan na may MASTERAL na sa Corruption at si SIR FAELDON pa lang ang sumusugpo dito. Talagang napakahirap noon. Kaya nga po ang kanyang panawagan sa mga mamamayang Pilipino ay kung may alam kayong corruption (detelyado, handa kang sumumpa at maging testigo) ay mag reklamo ng direkta sa opisina ni Sir Faeldon at kayo ay kanyang haharapin. Kung nahihirapan po kayo, ako po ay handang tulungan kayo. Importante po ay KUMPLETO ang inyong impormasyon. Dahil naniniwala ako na si SIR FAELDON ay may puso, prinisipyo, tapang at malasakit tulad ng ating Pangulo na si DUTERTE. Mahal po niya ang ating bayan. At gusto niya na ang BOC ay magkaroon ng TUNAY NA PAGBABAGO.

Source: https://www.facebook.com/Mochablogger/videos/10154444578046522/

Facebook Comment